Friday, July 4, 2014

Clara Ole Creamy Tomato Pasta Sauce: Fast and Easy Dinner Companion

Pasukan na ulit at balikan sa mga dorm nila ang aking mga girls at kami na lang ni EJ ang naiwan sa bahay. Since kami na nga lang ni EJ ang naiwan sa bahay, nakakatamad na magluto. Paggising sa umaga, need ko magluto para sa almusal at para sa baon ni EJ pero pagdating namin sa gabi, ibang usapan na.
Pareho kaming pagod mag-ina, si EJ dahil galing sa school at ako naman ay galing sa office kaya parang ala na kaming ganang magluto at kumain. Si EJ dahil din sa sobrang pagod eh gutom lagi pero ako tamad magluto at nakakasawa na ang kanin at ulam sa gabi.

Dahil dito, mas madalin pa sa akin ang ipagluto sya ng pasta. For fast and easy dinner for EJ, andyan ang Clara Ole Creamy Tomato Pasta Sauce. Quick and easy at di na kailangan ng kung ano ano pang dagdag na ingredients. Simpleng simple lang basta't napakuluan ko na ang pasta noodles. Kung marunong kang maggisa ng bawang, sibuyas, eh 1-2-3 ang procedure. Pag nakapaggisa ka na, ilagay mo lang ang Clara Ole Creamy Tomato Pasta Sauce, pakuluin sandali at before you know it, may sarili na kaming pasta for the night

My Clara Ole, fast and easy creamy tomato pasta sauce




EJ , with a happy face, masarap na madali pang lutuin.

So, pag gutom sya at gusto ko ng mabilisang lutuin, andyan lagi ang Clara Ole. Di sayang ang pagluluto ng Clara Ole Creamy Tomato Pasta kasi ung sauce ay enough and just right for the happy tummy of my EJ and me.

No comments:

Post a Comment

Linkwithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...