Friday, July 4, 2014

Juan Stop Inihaw is where you stop to dine

May nakita ako Juan Stop Inihaw na tinatayo sa kanto ng Anonas and it bring back the memory when I dine at their  first branch which is located at N. Domingo. Juan Stop Inihaw is a pride of Bacolod.

Maaliwalas at kaaya-aya ang kanilang restaurant. Accomodating ang mga staff  at natural na masayahin

Ang magandang balita, malaki ang serving ng kanilang mga inasal. Mabuti na lamang at mga may ari may sariling poultry na pinagkukunan ng kanilang manok kung kaya't di malaki ang overhead and price difference for profit

Clara Ole Creamy Tomato Pasta Sauce: Fast and Easy Dinner Companion

Pasukan na ulit at balikan sa mga dorm nila ang aking mga girls at kami na lang ni EJ ang naiwan sa bahay. Since kami na nga lang ni EJ ang naiwan sa bahay, nakakatamad na magluto. Paggising sa umaga, need ko magluto para sa almusal at para sa baon ni EJ pero pagdating namin sa gabi, ibang usapan na.
Pareho kaming pagod mag-ina, si EJ dahil galing sa school at ako naman ay galing sa office kaya parang ala na kaming ganang magluto at kumain. Si EJ dahil din sa sobrang pagod eh gutom lagi pero ako tamad magluto at nakakasawa na ang kanin at ulam sa gabi.

Dahil dito, mas madalin pa sa akin ang ipagluto sya ng pasta. For fast and easy dinner for EJ, andyan ang Clara Ole Creamy Tomato Pasta Sauce. Quick and easy at di na kailangan ng kung ano ano pang dagdag na ingredients. Simpleng simple lang basta't napakuluan ko na ang pasta noodles. Kung marunong kang maggisa ng bawang, sibuyas, eh 1-2-3 ang procedure. Pag nakapaggisa ka na, ilagay mo lang ang Clara Ole Creamy Tomato Pasta Sauce, pakuluin sandali at before you know it, may sarili na kaming pasta for the night

My Clara Ole, fast and easy creamy tomato pasta sauce

Linkwithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...